Matalinghaga

ni Clyde Maramba

TALINGHAGA- tayutay, halimbawang salita na may hindi tuwirang kahulugan, alegoria, metapora, pigura; hiwaga misteryo

Ma- unlapi na nagbabadya ng katangian ng salitang ugat
Mata- paningin, pantanaw, pangmalas
At- pangatnig na salitang ginagamit sa pag-uugnay ng dalawang pangungusap o salita
Tali- pantali, leteng o lubid
Alin- ano, isang pagtatanong kung ano ang pipiliin o tinutukoy ng tinatanong
Aga- kaagahan, pagka-maaga, katempranuhan,pagsapit o pagdating nang una sa takdang oras

Wala sa butas ang sarap ng donat.
— Ginoong Ron Capinding, June 17, 2010
Walang himala!

Nora Aunor, HIMALA

(Sa kabila ng paghahanap ko ng Himala, ginising niya ako sa katotohanan na wala palang ganito)

El Filibusterismo

Dakilang pagtuligsa

Kamatayan ang dala

Hindi lang sa may akda

Pati, sa mambabasa

3/365 (Tanaga)

Makalipas ako gahasain ng El Fili kanina, makalipas rin akong makatanggap ng 2/5 nanaman sa maikling pagsusulit dito, napagtanto ko na nakamamatay ang El Filibusterismo. Nagwawala man ang aking damdamin wala akong magawa. Batas ang libro, ang libro ang batas.

S kabila ng pagdurusa ko, pinaglaruan pa ako ng tadhana at sinira niya ang aking sapatos. :|

Nagkataon ding org fair namin ngayon. Gusto ko lang pasalamatan ang aking mahuhusay na kasama sa debate na sila Bas Claudio, Jovin Pizarro, Joey Pastrana at Vince Soriano. Mabuhay kayo!

Oo nga pala, naisip ko din na masaya ang ikatlong taon. Kailangan lang ng sipag at tiyaga. At dahil wala ako noon, di na masaya ang ikatlong taon =))

Katamaran

Alila ng isipan

Hindi siya mapigilan

Pag ika’y sinaniban

Luho niya’y may paraan

Siya ay demonyong tago

Apo’y sa inyong puso¬†

Ay biglang maglalaho

Tapos na ang kalbaryo

Siya na ay nasa iyo

2/365

Inaamin ko, nakatatamad siyang gawin. Isipin mo, kailangan ko munang mag basa ng 32 pahina ng El Fili at 4 na pahina ng English. Kaya naman katamaran ang isinulat ko ngayon dahil muntik ko na siyang di isulat.

Kakayanin ko pa kaya?

Pitong Tanga
— Ginoong Salvador ng Mababang Paaralan ng Ateneo, READING OF HONORS

Daga

Kay munti, kay galing

Pesteng daig ang sining

'Di 'lam kung s'an nang galing

Obrang butas, kapiling

1/365. Yeah Men!

Lahat ng aking mumunting tula ay repleksiyon ko sa araw. Kung kaya naman, lahat ng ito ay may kinalaman sa araw ko.

Itong tula nga pala ay isang Tanaga. (7-7-7-7 AAAA)

Nahuling Pagninilay sa Araw ng Kasarinlan

Hayaan niyo muna akong mabansagang indio ng mga higit na mas nakaaalam.

Ako ay magtatagalog.

Hindi ko na masyadong pahahabain ang aking mga sasabihin. Gusto ko lang na may gawin ako ngayon araw ng kasarinlan at iyon ay gumawa ng pagbabago sa aking sarili.

Ang ika-12 ng Hunyo ang nagtakda ng malaking pagbabago sa ating mga ninuno. Iyon rin ang araw na itatakda ko sa aking malaking pagpapatalas ng mapurol kong buhay.

Sisimulan ko ang dalawang proyekto na aking gustong matapos sa araw ng kasarinlan taong 2010. Ito ay

Una: Proyektong Limangpu’t Dalawang Linggo sa Potograpiya

Pangalawa: Tatlong Daan Anim Napu’t Limang Araw ng Malikhaing Pagsusulat.

Nawa’y masamahan niyo ako sa pagbalangkas ng panibagong araw.

Maraming Salamat!

Ligtas.
Ligtas nga.
Ligtas.


Ngunit hindi naman lumilipad.

— Ginoong Ron Capinding, LOBO
Ultralite Powered by Tumblr | Designed by:Doinwork